17
Perasol, Maroons nag-sorry sa paglayas sa Preseason Cup
Jun 18, 2021 @ 16:59
By

Perasol pa rin ang coach ng UP

Nilinaw ni University of the Philippines Fighting Maroons manager Agaton Uvero na nananatiling si Bo Perasol ang head coach ng Diliman-based squad.

Kasunod ito ng pagkalat ng mga balitang bumitiw na si Perasol sa koponan.

“That’s not how the UP system works as there are formal processes required to make such a decision,” pahayag ni Uvero ngayong Biyernes.

Dagdag niya, hindi raw nag-resign o tinanggal si Perasol.

Ayon sa mga ulat, nagbitiw si Perasol bilang UP head coach kasama si top deputy Ricky Dandan.

Sinasabing si Goldwyn Monteverde na ang papalit kay Perasol, na dating NU Bulldogs coach.

Samantala, itinanggi rin ni UP College of Human Kinetics Dean Francis Diaz ang resignation ni Perasol.

“UP has formal processes in selecting varsity coaches. Right now, coach Bo is still the UP MBT head coach and he has not resigned,” sambit niya.

Sa limang taong pagiging head coach ng Maroons, binuhay ni Perasol ang men’s basketball program nito.

At taong 2018, makalipas ang 21 taon, ay nagawa niyang maiabante ang UP sa UAAP Final Four.

Matapos ay nilampaso ng Maroons ang Adamson University sa dalawang do-or-die games para makapasok, sa kauna-unahang pagkakataon simula 1986, sa UAAP Finals kung saan ginapi sila ng kapitbahay na Ateneo de Manila University.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?