1,460

Jul 5, 2022 @ 12:13
By

Pera ni Carla damay sa na-scam kay Tom?

May bagong impormasyon umanong nakuha si Ogie Diaz tungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa Showbiz Update, sinabi ni Ogie na nadamay umano ang pera ng aktres sa na-scam na kay Tom.

Ayon kay Ogie, may bahagi rin si Carla sa P24 milyon na naipatalo ni Tom.

“Ang sabi, parang nawalan na ng pera si Tom kasi nga, dun sa perang na naipatalo o naging biktima ng scam si Tom, or nailagay sa negosyo na di kumita at na-zero pa na mahigit P24M, ang sabi ha, jusko… Andun din pala ang pera ni Carla, may pera rin daw dun si Carla,” pahayag ni Ogie.

Batay sa text ng source ni Ogie, isa umanong dahilan kung bakit hiniwalayan ni Carla si Tom ay dahil sa laki ng pera na nawala sa kanila.

“Ang sabi dito, Loi, ‘May pera rin si Carla dun sa na-scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla yung pera na yun kasi pareho nilang perang mag-asawa yun na na-scam kay Tom. In other words, hiniwalayan ni Carla si Tom kasi naubos ang pera ni Tom, damay pa yung pera ni Carla Abellana,” tsika pa ni Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?