155

Apr 22, 2021 @ 11:42
By

Pera ng taumbayan sayang kay Parlade – mga senador

Dalawang senador ang gustong bawiin ang P19-bilyong pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) at ilaan ito sa ayuda para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya.

Sa Twitter, nagkomento si Senador Joel Villanueva sa pahayag ni NTF-Elcac spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. laban sa nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry.

Inihalintulad ni Parlade ang Maginhawa Community Pantry sa mansanas ni Satanas.

“Oh my! We should move to defund NTF-ELCAC in the next budget. Sayang lang pera ng taong bayan,” tweet ng senador.

“Reallocate the current P19B budget for ayuda. Mas kailangan ito ng taumbayan kaysa sa mga ganitong kalokohan!” dagdag niya kalakip ang hashtags na #SupportCommunityPantry, #SupportBayanihan, at #NoToRedTagging.

Sumang-ayon naman si Senador Sherwin Gatchalian kay Villanueva.

“I agree bro. If these are the kind of people who will spend hard earned taxpayer’s money, then it’s not worth it,” banggit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?