31

‘Peppa Pig’ bawal na sa China

Sharing is caring!

Ipinagbawal na ang cartoon character na si Peppa Pig sa China dahil sa pagkakaugnay nito sa rap videos at gangster-style tattoos.

Ginawan kasi ng rebeldeng bersiyon ang British character kaya’t naging mainit sa mga mata ng gobyerno ng China na nagmamanman sa internet.

Naglaho na ang hashtag #PeppaPig sa Douyin, isang sikat na video app na katulad ng YouTube.

Hindi na rin makikita ang mga katagang “Get a tattoo of Peppa Pig, give a round of applause to ‘gangsters’” sa mga maaaring i-search sa Weibo, na parang Google.

Ayon sa reports, mahigit 30,000 video clips ng “Peppa Pig” ang tinanggal na sa Douyin.

Ilan umanong Chinese ang hindi na natutuwa dahil ang mga bata nilang anak ay umaakto nang parang baboy na nag-o-‘oink-oink’ at tumatalon sa mga putik para gayahin ang karakter.

Nag-ugat din ito matapos sumikat sa internet users na kilala bilang “shehuiren” o isang grupo na may “anti-establishment views” at “gangster” attitudes.

Ginagamit umano ng users si Peppa Pig sa mga rebelde nitong memes, spoof videos o sa mga ‘vulgar’ o malalaswang jokes.

Sikat ang Peppa Pig sa mga batang Chinese simula pa noong 2015 pero naging viral dahil pati mga young adult ay nanonood na rin nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?