153

Jul 30, 2021 @ 19:31
By

‘Pepito Manaloto’ meme kasama si Hidilyn patok sa madla

Benta sa mga netizen ang mga “Pepito Manaloto” meme tungkol sa pagbuhos ng limpak-limpak na salapi kay weightlifter star Hidilyn Diaz nang masungkit niya ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas.

Kabilang sa mga meme ang winning pose ni Diaz kung saan nakapalibot sa kanya ang mga halaga ng matatanggap na milyones.

Sa ibaba ng meme ay makikita si “Pepito Manaloto” actor Ronnie Henares na nanlaki ang mga mata sa matatanggap na milyones ni Diaz at biglang naging instant friend ang Pinay champ.

“Hidilyn my friend,” sabi kunyari ni Tommy Diones, ang karakter ni Henares sa “Pepito Manaloto” na mahilig mangsuwitik sa naturang Kapuso show, na pinagbibidahan nina Michael V at Manilyn Reynes.

Nakarating na sa kaalaman ni Henares ang mga meme at sinakyan ito.

“Somebody is spreading this around! Sa bagay, mahigit nang isang milyon ang utang ko kay Pepito. Siguro naman, sa daming milyon makukuha ni Hidilyn, baka pwede niya ako ibalato ng isang milyon man lang!” sabi niya sa Instagram post.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen:

Ghie Arcilla: “Naku pepito my bago ng fren si tommy.”

Lyn Rom Cielo: “Bigyan mo rin kami ha mang tommy. aliw kana sa pipito pati ba naman dito haha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?