37

Dec 21, 2017 @ 20:29
By

Peping dedma lang sa desisyon ng korte

“Business as usual” ang pahapyaw na isinagot lang ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. kahit naglabas na ng desisyon ang Pasig Regional Trial Court 155 na nagpapawalang-bisa sa pagkakahalal niya sa nasabing posisyon sa nakalipas na taon.

Ani Cojuangco, ipagpapatuloy niya ang responsibilidad at nakabinbin na trabaho habang umaandar ang usapin sa liderato ng POC.

Bulalas ni Cojuangco, hahayaan na lamang niya ang kanyang mga abogado sa pag-asikaso ng nasabing kaso at pokus lang aniya siya sa puwesto kasama ang pagiging chairman ng 30th Southeast Asian Games Federation Council (SEAGFC).

“Mga lawyer na lang namin ang bahala sa usapin na iyan,” sambit ni Cojuangco. ”There are lots of things to that have to be done. We had to prepare for the Asian Games and had to list down the sports for SEA Games dahil host country tayo,” anang 83-anyos na kabi-kabila na ang bumabatikos dahil sa walang nagawa sa POC sapul noong 2004.

Ikinababahala din ni Cojuangco ang posibleng suspensiyon ng bansa sa International Olympic Committee (IOC) dahil sa naging desisyon ng korte na maikokonsidera na pakikialam ng gobyerno katulad sa nangyari sa Kuwait at India.

“Nangyari na before sa Kuwait at India during their election process. If it will happen, it will happen, that is the risk that we had to face,” aniya pa.

Hawak ni Cojuangco ang puwesto bilang pangulo ng SEAGFC kung saan nakasalalay sa liderato nito ang pangkalahatang pagbubuo ng mga komite at pagtatakda ng taong mamando sa biennial games.

“We will have a series of meeting with the SEA Games Federation Council next month at hindi puwedeng iwanan ko na lamang basta-basta ang representasyon natin bilang host country,” pagtatapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?