59

By

Pepe Herrera natakot malaos pagtapos ng ‘Ang Probinsyano’

Sharing is caring!

Ipinahayag ni Pepe Herrera na masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon. Sinabi niya ito sa kanyang paglabas sa ‘Magandang Buhay’ nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada.

After niyang magpaalam sa FPJ’s Ang Probinsyano, nagbakasyon daw siya sa iba’t ibang bansa kabilang na ang New Zealand, Switzerland at Thailand at ilang lalawigan sa Pilipinas. Tapos ay sumagi rin sa isip ni Pepe na baka wala na siyang career na babalikan.

Sinabi muna niya kung gaano siya kasaya sa nangyayari sa career niya ngayon.

“Masaya naman po, masaya. Kasi hindi ko po inaasahan eh. Iyong parang pagbalik ko rito, kasi umalis ako for a year after ng Ang Probinsyano. Nagpunta ako sa iba’t ibang bansa pero una ay sa New Zealand,” kuwento niya.

Bukod daw sa reward sa sarili, kailangan din niyang magpahinga para sa kanyang health.

“At saka kailangan ko po siya eh, naramdaman ko po kasi na kailangan ko siya eh,” aniya pa.

Aminadong natakot daw siya na baka wala nang babalikang showbiz career.

Pahayag ni Pepe, “Isa po yun sa naging fears ko honestly, kasi alam nyo naman po sa industry natin, ganon po eh, parang mabilis na nawala rin ang karera ng isang actor or actress, depende po sa agos ng panahon.

“So noong nagpahinga po ako, nakaramdam din po ako ang ng takot na, ‘Naku pagbalik ko, ano pa kaya ang babalikan ko?’ Iyon…”

Kamusta ang health niya sa kanyang pagbabalik-pelikula?

“Yes (naalagaan ko na), yes po. Siguro naging tulong din po noong pag-alis ko, pagbalik ko mas alam ko na ngayon yung hangganan ko, dahil po roon sa mga naging kapabayaan ko rin naman. na sinagad ko nang sinagad iyong sarili ko.

“Ngayon, kapag nararamdaman ko na eto na, nahihilo na ako, kailangan kong umupo muna at magpahinga, dahan-dahan…”

Nami-miss ba niya ang Probinsyano?

“Siyempre, siyempre po naman, na-miss ko po,” pakli ni Pepe.

Dagdag pa niya, ”Tuwang-tuwa nga po ako nang nakita ko sina Arjo, noong nanood po kami ng Buy Bust together. Doon parang may mini-reunion, nakita ko sina kuya Jimmy Fabregas, ang CIDG boys at si Arjo.

“Nagkaroon po kasi ng block screening just about a month ago or few months ago,” saad pa ni Pepe.

Naibalita rin ni Pepe na may nilulutong project si Coco na makakasama siya. Pero hindi pa raw niya ito puwedeng sabihin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?