312

Sep 24, 2018 @ 14:18
By

People Power hindi tatalab kay Duterte – Palasyo

Nanindigan si Presidential spokesman Harry Roque na hindi magiging epektibo ang ‘People Power’ movement, na ginawa sa 2 nasibak na pangulo, kay ngayong Presidente Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito nang nalaman umano ng Palasyo na planong pag-aaklas ng mga komunista upang patalsikin si Duterte sa puwesto.

“Iyang ‘People Power’ sinuportahan natin iyan, pero sinuportahan natin iyang People Power ng 1986 kasi ang tinanggal sa pwesto ay wala ng mandato. Hindi niyo po mapi-people power ang taong may mandato,” saad ni Roque sa press briefing sa Malacañang.

“When you won by the margin the President had in the elections and when you have this kind of support being shown in the surveys, mahihirapan silang patalsikin.” dagdag niya.

Naniniwala pa rin ang Palasyo na may ikinasang plano ang grupo ng oposisyon na Tindig Pilipinas, na kanilang binansagan na ‘Red October’, ngunit umatras muna umano dahil nalaman na mga komunista ang nasa likod ng nasabing pagkilos, ayon kay AFP deputy chief of staff for operations Brig. Gen. Antonio Parlade.

“We have no doubts the AFP has intelligence information on this. We have no doubts the CPP-NPA (Communist Party of the Philippines – New People’s Army) has been out to overthrow the government since they were founded. We have no doubts there are power-hungry individuals in the opposition who would like to resort to extra-constitutional means to oust President Duterte and we have no doubts that the Magdalo group is addicted to coup d’ état,” pakli ng spokesperson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?