53

Dec 5, 2019 @ 14:00
By

Pensyonado inaresto sa pagtawag ng 24K beses sa phone company

Arestado ang isang Japanese pensioner matapos tadtarin ng customer service complaints ang isang phone company dahil sa paglabag umano sa kanyang kontrata.

Ayon sa Tokyo Police sa Straits Times report, dinakip nila si Akitoshi Okamoto, 71-anyos, noong nakaraang linggo matapos 24,000 na beses mag-toll-free calls sa loob ng walong araw sa customer service section ng major telephone operator na KDDI.

Maliban sa toll-free calls, libong tawag din ang ginawa nito gamit ang public pay phone at ininsulto ang customer service staff.

Nagde-demand si Okamoto na mag-apologize sa kanya ang KDDI staff. Maraming beses din itong nag-hang ng tawag.

Giit ni Okamoto, nilabag ng KDDI ang contract niya dahil hindi makahagip ng radio broadcasts ang kanyang telepono.

Inaresto siya dahil sa “fraudulent obstruction of business”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?