25

By

Pensyon ng mga war veteran, magiging triple

Sharing is caring!

Inaprubahan ng Senado ang panukalang batas na magtataas ng 300% sa buwanang pensyon ng mga beterano ng World War II, Korean War at Vietnam War.

Ayon kay Senador Gregorio Honasan, nag-akda at nagdepensa ng Senate Bill No. 1766, pagkilala ito sa kabayanihan at sakripisyo ng mga lumaban sa giyera.

Dahil dito, ang kasalukuyang P5,000 buwanang pensyon ng mga beterano ay magiging P20,000.

May mahigit 6,000 pang nabubuhay na beterano ng nasabing mga digmaan.

Kapag pumanaw ang beterano, magkakaroon ng P5,000 pensyon kada buwan ang asawa. Hindi maaring ibigay ang pensyon sa ibang kaanak.

Ang P1.8 bilyon na inisyal na badyet para rito ay kukunin ngayong taon sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) habang ipapasok na ito sa General Appropriations Act sa mga susunod nang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?