30

Jan 3, 2022 @ 16:51
By

Pensyon ng magsasaka, mangingisda nilalakad sa Kamara

Naghain ng panukala ang isang solon upang itayo ang isang pension system para sa mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, sa kanyang House Bill 10584 na napakalaki ng kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa ekonomiya ng bansa subalit napag-iiwanan ang mga ito sa benepisyong nakukuha sa gobyerno.

“Despite playing the crucial role in the economy’s growth and our nation’s sustainability, they spend their lifetime working just to cope up with their daily needs and end up with almost nothing upon reaching the age of retirement,” sabi ni Sy-Alvarado.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang Agricultural Pension Fund na siyang panggagalingan ng pensyon ng mga kuwalipikadong magsasaka at mangingisda.

Ang Department of Agriculture sa tulong ng mga grupo ng magsasaka at mangingisda ang siyang bubuo ng polisiya kaugnay ng pagbibigay ng pensyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?