535

Dec 12, 2017 @ 16:37
By

Pensioners ‘di na kailangang mag-report taon-taon – SSS

Tulot-tuloy nang tatanggap ng pension ang 58% sa 2.3M pensioners ng Social Security System(SSS) kahit hindi na magpakita sa Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) o ang taunang pagrereport ng mga pensioners na nasa bansa.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc sa halip na obligahin ang mga pensioners ay palalakasin ng SSS ang verification procedure upang malaman kung buhay pa sa SSS benefits ang pensioners.

“In fulfillment of our duty to bring better quality services to our dear pensioners, we are glad to announce that retiree pensioners who are residing here in the Philippines are no longer required to go to any SSS branch on their birth month for the ACOP starting October 30 this year,” pahayag ni Dooc.

Taong 2012 nang ipatupad ang ACOP na nagoobliga sa mga pensioners na taunang magreport sa SSS.

Nilinaw ng SSS na ang mga hindi na obligadong magreport ay ang mga pensioners na naninirahan sa Pilipinas habang kailangan pa rin na magreport ang mga retirees na nasa labas ng bansa, total disability, survivor pensioners at dependent children at kanilang guardian, meanwhile, are still required to comply with ACOP.

Sa ilalim ng SSS Circular No. 2017-012 ang mga retiree pensioners na naninirahan na sa ibang bansa at ang mga total disability pensioners ay kailangang magreport sa kanilang birth month; survivor pensioners, minor kasama ang kanilang guardian ay kailangang magreport sa birth month ng namayapang member.

Nagpaalala ang SSS na ang hindi pagsunud sa ACOP ay maaaring magresulta sa awtomatikong pagkansela ng kanilang pension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?