31

By

Pension loan sa halip na dagdag-pensyon – SSS

Sharing is caring!

Hindi pa kakayanin ng Social Security System (SSS) ang magbigay ng panibagong dagdag sa pensyon, ngunit mag-aalok sila ng pension loan simula sa darating na buwan ng Setyembre.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, matindi ang panawagan para sa dagdag pensyon ngunit aniya hindi pa nagbabago ang kanilang koleksyon.

Aniya, para makatulong sila na makaagapay ang kanilang mga pensioner sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin, mag-aalok sila ng pension loan na hanggang P32,000.

Papatungan ang pension loan ng 10 porsiyento kada taon.

Dagdag pa ni Dooc, halimbawang kamatayan ng pensioner ang kanyang utang, hindi ibabawas ang balanse sa makukuhang benepisyo ng kanyang mga naulila at ito ay sasagutin na lang ng insurance na kaakibat ng pension loan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?