89
Peña: Kasilawan Taekwondo Club, sisipa sa international competition
Jul 15, 2019 @ 17:01
By

Peña: Kasilawan Taekwondo Club, sisipa sa international competition

Handa nang magpasiklab ang 17 taekwondo stars mula Kasilawan Taekwondo Club sa international competitions sa pangunguna nina team manager Carlo Batalla at head coach Gani Domingo na suportado rin ni Makati Congressman Kid Peña.

Lalahok ang 17-member Kasilawan Taekwondo Club sa tatlong major competitions sa Amman, Jordan at Bangkok, Thailand sa susunod na linggo at sa Tashkent, Uzbekistan next month.

Inaasahan na hahakot ang Makati-based club ng mga medalya para dagdagan pa ang kanilang mga parangal.

“These boys and girls are now the best and the brightest in taekwondo. I can see a bright future for all of them starting in the coming three major international competitions,” pahayag ni Batalla sa formal team presentation na ginanap sa Carlos Gym sa Barangay Olympia, Makati City.

Present rin sa team presentation sina Cong. Pena at top barangay officials sa unang distrito ng Makati.

“My advice to these young taekwondo stars is to always do their best and go for gold,” saad ni Peña.

“There is nothing we cannot do and we cannot achieve if we keep oour focus on the task at hand. Always word hard.”

Ibinahagi rin ni Cong. Peña ang importansya ng sports kung saan ipo-promote nito sa Makati City government ang sports lalo na ang taekwondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?