50

By

Pelikulang ‘Tanabata’s Wife’ big winner sa 3rd ToFarm Filmfest

Sharing is caring!

Humakot ng kabuuang siyam na award ang pelikulang ‘Tanabata’s Wife’ sa 3rd ToFarm Film Festival Awards Night na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La noong Sabado, September 15.

Kabilang sa major awards na nakuha ng ‘Tanabata’s Wife’ ang Best Picture, Best Director para kina Charlson Ong, Lito Casaje, at Choy Pangilinan; Best Actor para kay Miyuki Kamimura; at Best Actress for Mai Fanglayan.

Ang 2nd Best Picture ay nakamit ng ‘1957’ samantalang 3rd Best Picture naman ang ‘Alimuom’.

Si Richard Quan ang nanalong Best Supporting Actor (1957), samantalang nagtabla naman para sa Best Supporting Actress sina Bayang Barrios (Kauyagan) at Gilleth Sandico (Sol Searching).

Ang iba pang nanalo ay ang mga sumusunod:

Best Screenplay: Tanabata’s Wife

Best Story: Hubert Pibi (1957)

Best Cinematography: Nap Jamir (Tanabata’s Wife)

Best Editing: May-I Padilla (Tanabata’s Wife)

Best Musical Score: Kurt Alalag, May Padilla, Marc Tan (Tanabata’s Wife)

Best Sound: Immanuel Verona (Mga Anak ng Kamote)

Best Production Design-Martin Masadao (Tanabata’s Wife)

Ang awards para sa Short Film category na tinawag na ‘The Direk Maryo J Memorial Awards’ ay ang mga sumusunod:

Aning Ginto Award-‘Sikap’, Best Short Film-‘Panginoong May Lupa’,
2nd Best Short Film-‘Kaluguran Da Ka, Ma!’, at 3rd Best Short Film-‘Tahanan ng Isang Magsasaka’.

Nakuha naman ng pelikulang ‘Sol Searching’ ang People’s Choice Award.

Kabilang sa pinagkalooban ng special awards ng gabing iyon ang veteran actor na si Robert Arevalo bilang celebrity farmer, at sina Joey Romero at Bibeth Orteza.

Nagkaroon din dito ng tribute para sa namayapang si direk Maryo J. delos Reyes na siyang Festival Director ng ToFarm hanggang siya ay pumanaw.

Host ng gabing iyon si Reb Atadero.

Ang ToFarm ay mula sa pamumuno at vision ni Dr. Milagros How, presidente ng Universal Harvester Incorporated. Kabilang sa bumubuo ng jury ng 3rd ToFarm filmfest sina Manet Dayrit, Sigrid Andrea Bernardo, Moira Lang, at Jerrold Tarog.

Ang 3rd ToFarm film festival ay mapapanood pa rin hanggang sa Tuesday, September 18 sa Trinoma, Gateway Greenbelt 1, Robinson’s Galleria, SM Megamall, SM Manila, Gaisano Davao, at Ayala Legazpi (Bicol).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?