145

By

Pelikulang ‘Spoken Words’ alay para sa mga millenial

Sharing is caring!

Matagumpay ang premiere night ng pelikulang Spoken Words na ginanap last August 25 sa Cinema 6 ng SM North EDSA, pati na sa block screening nila sa City Club Makati kamakailan.

Dumagsa ang mga moviegoer sa pelikulang tumatalakay sa mga millennial na dumadaan sa depresyon, kung paano ito nalagpasan at ginawang positibo.

Tampok sa pelikula ng RLTV Entertain­ment Productions at Infinite Power­tech at sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia sina Erwin Bue­na­ven­tura, Reinzl Mae Bolito Matt San Juan, Erika Mae Salas, Mich Ra­padas, John Pa­trick Picar, Pa­trick Alba, Marco No­ve­nario, Rodel Girard Forma­ran, Renz Gabrielle Clemente, at iba pa.

Ayon kay Direk, labis ang kagalakan niya sa kanilang premiere night at sa ginawang block screening.

“It’s overwhelming, sobrang maraming nagandahan and naiyak. it only proves that we have a very intelligent crowd. Kahit ‘di mainstream ang artist, yet I believe that we have a very strong cast and artists sa Spoken Words and lahat sila magagaling.

“Sobrang happy ko po, napuno ang SM North EDSA Cinema 6 and the response of the moviegoers is sobrang nakakataba po ng puso. Erika Mae made a very distinct acting, plus the main artist like Erwin Buenaventura, our lead actor and Reizl Bolito, the sister of the lead. Everyone made a very excellent role and delivered an outstanding acting. It is very well applauded.” paglalahad ng mga direktor.

Nagpasalamat naman si Erwin sa mga tumulong sa kanya sa pelikulang ito. “This is my first movie, more on theater arts kasi ang background ko. Kakaiba ang film sa theater, pero hindi naman malaking adjustment kasi tinulungan kami ng mga direktor dito.”

Sinabi naman ni Reinzl Mae na sobra siyang proud sa kanilang pelikula. “Sobra po akong proud sa Spoken Words casts, directors, production team, producers and everyone else. I’m just proud how our hardwork paid off and I’m so so so so happy about the impact it gave to the audience,” pahayag niya.

Ayon naman sa talented na young singer/actress na si Erika Mae, “This movie po, made-describe ko po siya as pang-pamilya. Since it’s a family-oriented po and ipinapakita po rito how millenials act nowadays. Marami po silang matututunan dito and sigurado pong mae-enjoy nila ang movie.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?