64

Sep 8, 2019 @ 14:59
By

Pelikulang Pinoy nanalo sa Venice

Wagi sa special jury prize ng ika-76 Venice Film Festival ang pelikulang “Verdict” ni Raymund Ribay Gutierrez!

Isang feature debut ni Gutierrez at prinodyus ni Brillante Mendoza, umikot ang Verdict kay Joy, na inaabuso ng kanyang lasenggong asawang si Dante at nanindigang panigan siya ng justice system ng bansa.

Ang Verdict ang nag-iisang Southeast Asian film na pinalad na makapasok sa nasabing festival sa Italya.

Ipalalabas ang Verdict sa mga piling takilya ng Pista ng Pelikulang Pilipino, mula Setyembre 13 hanggang 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?