89

Dec 24, 2017 @ 18:07
By

Pelikulang Pilipino, wagi sa Vatican film festival

Itinanghal na best film sa katatapos pa lamang na Mirabile Dictu International Catholic Film Festival sa Vatican City ang pelikulang Pilipino na “Ignacio de Loyola” na tungkol sa buhay ng nagtatag ng Society of Jesus.

Ang “Ignacio de Loyola” ang kauna-unahang pelikulang gawa ng mga Pilipino ang nanalo ng prestihiyosong pagkilala.

Nagustuhan umano ng mga hurado ang script, ang pag-arte, dekorasyon, musika at costume sa pelikula.

“The most important thing to say about Ignacio de Loyola is that…it is the first time in the history of the Festival that this happened. There were no discussions about it. The members of the jury appreciated the script, the actors, the decorations, the costumes, the music of the film: in one word, everything,” paliwanag ni Liana Marabini, ang founder at organizer ng nasabing patimpalak.

Ang Silver Fish Trophy na simbolo ng pagkilala ay tinanggap naman ng mga producer ng pelikula na sina Pauline Mangilog-Saltarin at Ernestine Tamana na bumiyahe sa Roma.

“We share this important recognition with our director and screenwriter Paolo Dy and the whole cast, crew and production staff who made this film with so much passion and grace and turned it into a genuine labor of love,” bahagi ng mensahe ni Saltarin.

Gumawa ng kasaysayan ang “Ignacio de Loyola” bilang kauna-unahang Pelikulang Pilipino na ipinalabas sa Vatican.

Ang pelikula ay produksyon ng Jesuit Communications Foundation Philippines kung saan bisa ang Spanish actor na si Andreas Muñoz.

Nagwagi na rin ito ng Audience Choice Award sa 12th Cine Con Valores Film Festival sa Mexico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?