190

Nov 30, 2017 @ 15:45
By

Pelikula nina Sharon-Robin, tumabo ng P14-M

Tagumpay ang comeback movie ni Sharon Cuneta sa mainstream na balik-tambalan din nila ni Robin Padilla, ang “Unexpectedly Yours” na nagtatampok din kina Joshua Garcia at Julia Barretto, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema Inc.

Base sa magkakasunod na posting ni Sharon sa kanyang Instagram at sa postings din ng taga-ABS-CBN 2, kumita ng humigit-kumulang sa P14M ang pelikula sa first day of showing nito sa mga sinehan.

Kaya naman panay-panay ang pasasalamat ni Sharon sa kanyang Instagram kasabay ng pagpapaskil niya ng promo poster ng movie na may nakasulat na “P14Million on it’s first day.”

@reallysharoncuenta, “From the bottom of all our hearts. MARAMING MARAMING SALAMAT PO. To God be all the glory.”

Nawala ang kaba ni Sharon sa maaaring pagtanggap ng moviegoing public sa balik-team up nila ni Robin kahit na may kanya-kanya na silang pamilya.

Nagwagi rin ang pagpapayat ni Sharon na nakatulong para kahit paano ay mabawasan ang laki niya sa screen.

Dahil dito nagbubunyi ang mga Sharonians, fans ng Megastar, sa iba’t ibang sulok ng mundo dahil muling napatunayan ng kanilang idol ang pagkakaroon nito ng box-office appeal kahit matagal itong namahinga sa paggawa ng movie.

Sa totoo lang, imbiyerna ang mga Sharonians sa mga nagsasabing hihilahin ng JoshLia ang pelikula sa takilya dahil ang dalawang young love team ang mas may potential sa box-office dahil fresh at mga bata.

Nagbanta pa nga ang ibang mga fanatiko ni Sharon na gigiyerahin ang nagsulat na sina Joshua at Julia ang magdadala ng pelikula sa box-office.

Anyways, maganda ang Pasko ng Megastar ngayong 2017 dahil sa kinita ng kanilang movie ni Robin. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?