481
sid-and-aya
By

Pelikula nina Dingdong at Anne, patuloy na nagpapakilig sa mga manonood

Sharing is caring!

Now on its second week, “Sid & Aya: Not A Love Story” topbilled by Anne Curtis and Dingdong Dantes, has been raking money at the tilts at patuloy itong nagbibigay saya at kilig sa mga manonood.

Sa unang linggo pa lang since it opened last Wednesday, May 30, humamig na ito ng P80 million plus.

Kaya tuwang-tuwa ang Kapamilya actress dahil patuloy itong pinipilahan at kumikita sa takilya.

Ramdam namin ang saya ni Anne habang binabasa ang latest Twitter post ng aktres.

Sabi niya, “BOOM!! Maraming Salamat po! We are still in cinemas and we are still enjoying the FB, TWITTER AND IG posts from all [of] you! May reviews, may mugot, and quoting our dialogues that you hit you as heart! Salamat po!”

Pasasalamat din ang ipinapaabot ng Kapuso Primetime King sa mga taong nakapanood na ng kanilang pelikula.

Kagabi, muling nanood ang aktor at sabi niya sa post niya sa Twitter, “I watched #SidAndAya again last night at pareho pa rin ang naging impact niya sa akin pagkatapos! Pero kagabi, kapansin-pansin na ang subtitle at ngayon ko lang nalaman na ang translation pala ng [‘ano ba?’] sa english ay [‘jeeez’]. Haha.”

Napapanood pa rin ang “Sid And Aya: Not A Love Story” sa mahigit 180 theaters nationwide, mula ito sa produksyon ng Viva Entertainment at N2 Productions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?