By

Pelikula nila ni Bossing sa MMFF 2018 kinumpirma ni Coco

Sharing is caring!

Matagal na umanong gustong maka-eksena ni Coco Martin sa isang proyekto si Bossing Vic Sotto kaya ang pagkumpirma ng “Ang Probinsyano” star ng kanilang pagsasama sa pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon ay katuparan nito.

Sa panayam ng Pep, sinabi ni Coco na idol niya noon pa ang TVJ o Tito, Vic at Joey.

Isang malaking karangalan umano sa kanya ang makatrabaho si Vic at excited na umano siya sa pagsisimula nila sa pagsu-shoot ng pelikula para sa MMFF.

Samantala, walang isyu umano kay Coco sakaling magtapat muli ang mga pelikula nila ng kaibigang si Vice Ganda gaya noong nakaraang MMFF festival.

Aniya, hindi nila iniintindi ang ganoong isyu dahil ang pakay nila ay magpaligaya ng mga manood.

Nagtutulungan umano sila para buhayin at pasiglahin ang MMFF tuwing Pasko at hindi para magkompetensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?