37

Dec 28, 2017 @ 16:40

Pelicans vs Nets: Rajon Rondo, kumolekta ng 25 assists

Nagsalansan ng kanyang career-high 25 assists si Rajon Rondo at dinaig ng New Orleans Pelicans ang Brooklyn Nets, 128-113, nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Tatlong sunod na panalo na ito ng Pelicans na humugot din ng lakas kina DeMarcus Cousins na may 27 points at 14 rebounds, at Jrue Holiday na umiskor ng 23 points.

Nagsimula ng solidong laro ang Pelicans na lumamang ng 16 sa first quarter, 23 sa second at 33 sa third.

Inilabas ni Pelicans coach Alvin Gentry ang kanyang starters, pero ibinalik din matapos ang 17-0 run ng Nets na nagpatapyas sa kalamangan ng New Orleans sa 91-75 papasok ng fourth quarter.

Naging susi sa takbuhan ng Nets sina Caris LeVert at Nik Stauskas ngunit hindi pumayag ang lineup ng Pelicans nina Anthony Davis, Cousins, Holiday, Rondo at E’Twaun Moore na mabilis na rumesponde at walang hirap na nauwi ng New Orleans ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?