40

Oct 21, 2017 @ 20:00

Pelicans pinadapa ng Warriors

NEW ORLEANS — Madaliang binura ng defending champion Golden State Warriors ang 15-point first-half deficit sa malulupit na bitaw ni Klay Thompson na 3-point shots at nilunod ang New Orleans Pelicans, 128-120, sa 72nd NBA 2017-2018 season elims kahapon dito.

Binalewala ni Thompson ang maalingawngaw na sinisigaw ng mga miron na “Defense” sa pagsaluksok ng pitong 3-pointer tungo sa pag-top score sa Golden State sa 31 points sa murang season pa lang ng liga.

Nagbaon si Stephen Curry ng 28 pts. at nagbak-ap pa si 2016-2017 (71st season) Finals MVP Kevin Durant ng 22 pts. pang-ibabaw sa malupit na career-best seven blocks para sa buena-manong tagumpay ng Warriors, nakabawi sa tilapon sa Houston Rockets.

Salampak ang New Orleans sa 0-2 sa kabila ng mainit na first half shooting, pero inalat at nadepensahan pa nang todo ng Golden State sa second half.

Nasayang lang din ang mga double-double job nina Anthony Davis, 35 pts. at 17 rebs. at DeMarcus Cousins, 35 pts. at 14 rebounds para sa Pelicans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?