28
nikola-mirotic
Apr 20, 2018 @ 14:27

Pelicans isang bala na lang kontra Blazers

Niluwagan nina Nikola Mirotic at Anthony Davis ang daan ng New Orleans para dominahin ang Portland Trail Blazers mula umpisa hanggang dulo, 119-102.

Nilubog na ng Pelicans ang Blazers sa pagbulsa ng 3-0 lead sa Western Conference first-round playoff series.

Umiskor ng 30 points at sumikwat ng 8 rebounds si Mirotic habang kumulekta ng 28 pts., at 11 boards si Davis para sa New Orleans, na posible nang tapusin ang best-of-seven series sa sariling tahanan sa Sabado.

Bumuslo ng 54.8 percent sa field ang Pelicans at pinuwersa ang Portland sa 12 turnovers para lumayo agad sa halftime, 64-45.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?