674

Mar 9, 2021 @ 19:29
By

Pekeng shootout sa ‘nanlaban’ nakunan ng video

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang kumalat na video kung saan makikita ang isang diumano’y pulis na ilang ulit pinaputok ang baril na iniwan sa tabi ng bangkay na inakusahang “nanlaban” sa Valencia City, Bukidnon.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na mukhang totoo na kasama sa standard operating procedure ng pulisya ang pekeng shootout.

“Revealing itong video na ito. Mukhang kasama na talaga sa standard operating procedures ng mga police operations itong pamemeke ng shootout upang palabasing nanlaban ang mga biktima ng extrajudicial killings. Justice Secretary Menardo Guevarra already pointed out this widespread lapses in the drug war, and this video proves it,” ani Gaite.

Makikita sa video ang isang nakasibilyang pulis na pinaputok ang isang baril na iniwan sa bangkay ng lalaki na napatay dahil nanlaban umano.

Sinabi ni Gaite na hindi malayo na ganito rin ang ginawa ng mga pulis sa serye ng raid laban sa mga aktibista noong Linggo.

“Batay sa mga impormasyong nakakalap natin sa mga nagaganap na fact-finding missions, lumilitaw na summary executions talaga ang naganap. Katulad nitong sa kaso ni Manny Asuncion. The search was supposed to be implemented in his house, but after finding out that he was not there, authorities went to his location and barged into the office of the Workers Assistance Center located kilometers away, dragged him out, shot him six times, dragged him back inside the office to finally create the fake ‘nanlaban’ scenario,” ani Gaite. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?