122
ABANTE fake police tondo technician
Jul 15, 2019 @ 22:12
By

Pekeng pulis timbog sa pangingikil sa aplikante

Naaresto ang isang 59-anyos na lalaki matapos magpanggap na maimpluwensiyang pulis na kayang mag-hire ng mga police applicant.

Buking ang modus ni Robel Yap Canlas noong Linggo matapos kikilan ang babaeng police applicant ng P40,000.

Ayon sa ulat, nanghihingi ng pera si Canlas sa mga aplikante para makapasok sa pagka-pulis ang mga ito kahit bagsak sa height requirement.

Isang aplikante ang napapayag ni Canlas na magbayad matapos nitong magpakilalang si SPO2 Gerome Canlas na nakatalaga sa Rodriguez, Rizal.

Nagbayad ang nagreklamong biktima ng napag-usapang pera noong Oktubre ng nakaraang taon pero hindi umusad ang request niya para sa height waiver.

Sa halip, nanghihingi muli si Canlas ng P20,000 para naman sa pagpoproseso umano ng neuro at medical examination ng biktima na pinadala naman ng huli sa pamamagitan ng money transfer.

Nagduda na ang biktima nang humirit muli si Canlas ng P40,000.

Nadakip si Canlas sa Barangay San Rafael sa Rodriguez.

Nakumpiska sa kanya ang isang PNP backpack, isang kalibre .45 pistol, pekeng PNP ID at badge.

Nasa kustodiya na ang suspek ng Integrity Monitoring and Enforcement Group at mahaharap sa patong-patong na kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?