100

Jul 5, 2022 @ 13:59
By

Pekeng pulis binaril palaboy na nandura sa kanyang SUV

Bala ng baril ang iginanti ng isang SUV driver sa palaboy na nandura sa kanyang sasakyan sa Quezon City.

Sa viral video, makikita ang palaboy na naglalakad sa D. Tuazon Street, Barangay Don Manuel nang dumating ang SUV nitong Hulyo 3 ng umaga.

Lumapit ang palaboy sa sasakyan ng salarin at bigla na lamang umano itong dinuraan.

Dito na lumabas ang sakay ng SUV na nakasuot ng uniporme ng pulis at may hawak na baril.

Bago bumalik ang driver sa kanyang sasakyan ay binaril ang biktima saka umalis sa lugar.

Duguang dinala sa ospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa leeg at balikat.

Napag-alaman ng mga awtoridad na nagpapanggap lamang na pulis ang suspek.

Ayon sa tweet ng GMA reporter na si James Agustin, naaresto na ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?