207

Dec 18, 2017 @ 18:15
By

Pekeng PNP-CIDG sa Saudi, ibinabala ng embahada

Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia sa mga Filipino sa naturang bansa na mag-ingat sa mga nagpapakilalang tauhan ng PNP-CIDG Detective Special Operations Unit.

Partikular na binanggit sa abiso ang Trackers Team ng CIDG International.

Ang naturang grupo, ayon sa embahada, ay nadiskubreng hindi konektado sa lehitimong PNP-CIDG na nakabase sa Camp Crame.

Paalala pa, kinakailangan ng permiso at awtorisasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas at Saudi Arabia para makapagsagawa ng police operation ang isang indibiduwal o grupo sa Saudi.

Babala sa mga Filipino sa Saudi, ang pagpapakilalang pulis ay may katapat na kaso na usurpation of authority base sa Revised Penal Code ng Pilipinas, bukod pa sa magiging paglabag sa mga batas ng Saudi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?