Pekeng PDEA agent nadakma sa Cainta

Sharing is caring!

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng grupo na nagpapanggap na mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pangingikil.

Iprinisinta sa media ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang nadakip na babaeng suspek na si Jai Sunshine Chua, na nalaglag sa mga kamay ng otoridad sa operasyon na ginawa sa Cainta, Rizal noong Marso 9.

Si Chua ay hinihinalang kasama ng 10 na miyembro ng grupo na nandukot umano sa isang lalaki sa Ususan, Taguig City noong Pebrero 4, na nagpanggap na mga ahente ng PDEA, na kumpleto sa uniporme at armas.

Hiningan ang asawa ng lalaki ng P50,000 ng mga suspek.

Nag-o-operate umano ang mga suspek sa Taguig City at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?