56

Pekeng MMDA, tiklo sa pangingikil

Sharing is caring!

Nagwakas na rin ang pagpapanggap na miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang 40-anyos na lalaki matapos itong madakip sa Araneta Avenue cor. Palanza Street, Barangay Santol, Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa report, nakatanggap ng tips ang mga awtoridad hinggil sa pangingikil sa mga motorista ng suspek sa naturang lugar.

Nilapitan si Reynante Pascasio ng mga pulis-QC habang nakasuot ng uniporme ng traffic enforcer ng MMDA at nakatayo sa lugar at naghihintay ng mabibiktima.

Hinanapan ito ng pruweba na magpapatunay na isa siyang “bonafide member” ng ahensiya pero nabigo ito.

Bunga nito, dinakip siya ng mga operatiba ng Station 11 pati na ang gamit nitong motorsiklo na may plate number 7968 XT at may blinkers na awtorisado lang gumamit ay mga government-issued vehicles.

Sa ngayon ay sinampahan na ito ng mga kasong usurpation of authority, illegal use of uniform and insignia, at unlawful use of sirens, bells, horns and other signaling or flashing devices on motor vehicles.

Kasalukuyan na rin siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?