19
handcuffed1
By

Pekeng MMDA, arestado sa ‘extortion’

Sharing is caring!

Buking ang 40-anyos na lalaki na nagpanggap na Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic constable habang nag-aabang ng mga motoristang mabibiktima sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang nadakip na si Reynante Pascasio, 40-anyos ng No. 5020 Florentino St., Mapulang Lupa, Valenzuela City

Ayon kay Galas Police Station (PS-11) chief PSupt Tomas Nuñez, naaresto ang suspek matapos na makatanggap sila ng reklamo sa pangongotong nito sa mga motorista sa Araneta Avenue.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw (May 21, 2018), nagsagawa ng ‘surveillance’ ang mga operatiba ng Galas Police sa Araneta Ave., corner Palanza St., Brgy. Santol at naispatan ang suspek na kuntodo kumpleto pa ang suot na uniporme ng MMDA traffic

constable.

Naispatan ng mga pulis ang suspek habang nakatayo sa tabi ng kanyang nakaparadang nagbi-blink na motorsiklo sa madilim na bahagi sa nabanggit na lugar at tila naghihintay ng mga motoristang makokotongan.

Dahil dito ay nilapitan ng mga pulis ang suspek at hiningan ng ID kung totoo itong miyembro ng MMDA subalit ng wala itong maipakitang pruweba ay saka lamang ito inimbitahan sa Galas Police Station.

Nang beripikahin sa MMDA Office sa Guadalupe, Makati City, ang pangalan ng suspek ay doon na nakumpirma na hindi ito empleyado ng nasabing tanggapan ng pamahalaan.

Nakumpiska sa suspek ang MMDA field uniform at motorcycle na may plakang 7968XT.

Ang pekeng MMDA traffic constable ay kasalukuyang nakapiit sa Galas Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority), Art. 179 (Illegal use of Uniform and Insignia) at PD 96 (Unlawful use of Sirens, Bells, Horns and other Signaling or Flashing Devices on Motor Vehicles).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?