84
handcuffed
Jun 5, 2018 @ 14:00
By

Pekeng Korean reporter, timbog sa Makati

Nahuli ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreano na nagpanggap na journalist sa lungsod ng Makati.

Nabatid na may kinakaharap na kasong swindling na nagkakahalaga ng 42.2 million won o mahigit P2 milyon si Yun Jong Sik, 39-anyos, sa South Korea.

Kinumpirma naman ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval na si Yun ay may apat na arrest warrants na inisyu ng mga korte sa South Korea.

Kabilang aniya sa mga natangayan ni Yun ng malaking pera ang dalawang Koreana kung saan nagpakilala itong journalist na nagtapos sa isang sikat na unibersidad sa Amerika.

Nadakip si Yun ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit sa Guadalupe ng nabanggit na lungsod noong Mayo 23.

Kasalukuyan na itong nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at nakatakda na umanong ipa-deport, batay na rin sa kautusan ng Korean Embassy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?