188

By

Pekeng doktor, tiklo ng NBI

Sharing is caring!

Sa isinagawang surveillance ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Special Task Force, naaresto ang isang pekeng doktor na may clinic pa sa Quezon City kamakalawa ng umaga.

Kasamang inaresto ang abogado ng pekeng doktor matapos na suhulan ang mga awtoridad na humuli sa kanyang kliyente.

Ganap na alas-11:00 ng umaga nang maaresto si Nortberto Elpidio sa aktong may pasyente sa clinic nito sa Barangay Fairview ng nasabing lungsod.

Limang taon na umanong nagpapanggap na manggagamot si Elpidio at nakapagtrabaho pa umano bilang doktor sa isang ospital sa nasabi ring lungsod.

Nakumpiska sa kanya ang pekeng identification card ng Professional Regulation Commission (PRC) at ang iba pang mga palsipikadong dokumento.

Bukod umano sa pagpapanggap na doktor ay nagawa pa umano nitong makapagturo sa isang unibersidad gamit pa rin ang mga pekeng IDs.

Pagdating sa himpilan ng NBI, dumating umano ang isang nagpakilalang abogado ng suspek na si Atty. Excelsis Antolin.

Tinangkang suhulan ng P200K ni Antolin ang mga tauhan ng NBI dahilan para maging ito ay arestuhin at kasuhan ng bribery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?