38

May 14, 2018 @ 17:43
By

Peg ni Pacquiao, ensayo at Senado

SA susunod na dalawang linggo o higit pa, hahatiin ni eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao ang kanyang katawan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang senador at sa pag-eensayo para sa July 15 clash niya kay WBA welterweight kingpin Lucas ‘La Maquina’ Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mula General Santos City, inaasahang babalik na muna pa-Maynila ang Team Pacquiao upang dumalo ang fighting senator sa pagbabalik-sesyon ng Senado simula ngayong araw ng Martes.

Natapos na nito ang unang dalawang linggo ng ensayo sa GenSan at ipagpapatuloy niya ito sa Maynila habang pumapasok sa Senado.

Wala itong problema, ayon sa conditioning coach ni Pacquiao na si Nonoy Neri. “Time management lamang naman and Manny has been doing that since he was still a congressman. Konting adjustment lang sa oras,” kwento ni Neri sa philboxing.com. “Naka-dalawang linggo na nga kami sa training camp at wala naman kaming nakitang problema.”

Sa kabila ng halos isang taong pamamahinga sa bakbakan ni Pacquiao, 39, walang nakikitang problema si Neri sa porma ng many-time boxing champ. Magiging handa umano ito sa gabi ng sapakan nila ng Argentinian titleholder. “He can do it (training at pagdalo sa Senado). Mahirap-hirap lang hindi gaya nung dati, pero knowing Manny, kakayanin nya,” dagdag pa ni Neri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?