2,753
ali-peek
By

Peek umupak muna, sabay kambiyo

Sharing is caring!

Umani ng batikos mula sa media ang kontrobersiyal na komento ng dating PBA player na si Ali Peek nang patamaan ang PBA press tungkol sa pagpili ng All-Star players sa gaganaping 2018 PBA All-Star Week sa Mayo 23-27.

Nagsimula ang lahat sa Facebook post ng sports anchor na si Jinno Rufino na ikinadismaya ang hindi pagsama ng pangalan ng GlobalPort forward Sean Anthony na top local scorer ng liga ngayong Commissioner’s Cup.

Pareho ang sentimyento ni Peek na isinama pa ang pangalan ni Alaska Aces forward Vic Manuel sa “All-star snubs” ngunit hindi rito natigil ang patutsada nang patamaan pa ang media, “You have to buy the media people ensaymada or pizza to gain votes that’s why they hated me!” ayon kay Peek.

Agad namang pinagtanggol sa socmed ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III ang PBA press na isinaad na walang kinalaman ang media sa proseso ng All-star selection at tahasang sinabi na iresponsable ang komento ni Peek.

Kaagad namang humingi ng dispensa ang 5-time PBA All-Star na si Peek sa kanyang nasabi. “Guys I got carried away. Didn’t mean to generalize so in that regard I apologize but there’s something flawed in the system when you have two players average over 20 plus ppg and their respective teams are doing well!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?