21

By

Pedicab driver saksak ang inabot kay tatang

Sharing is caring!

Agaw buhay ngayon ang isang pedicab driver matapos na walang habas na pagsasakin ng isang matandang lalaking pedicab driver din sa Lungsod ng Malabon.

Sa ulat ng Malabon City Police Community Precinct IV ay ganap umanong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan Aluminio Street corner Istaño Street, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nagaabang ng pasahero ang biktimang si Edwin Catipungan, 39-anyos, binata, pedicab driver ng Tugatog Cemetery sa Dr. Lascano Street ng parehong lugar nang dumating ang suspek na si Perfecto Dela Cruz, 61-anyos, pedicab driver din ng Novaliches, Lungsod ng Quezon at walang ano-anong bigla na lamang siyang pagsasaksakin sa kanyang likod at iba pang bahagi ng katawan gamit ang nasa 18 pulgadang haba ng patalim.

Matapos ang insidente ay agad ding nakahingi ng saklolo sa nasabing himpilan ang mga nakasaksi sa insidente na agad ding nakaresponde at nasakote ang salarin.

Nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima, mabilis ding naisugod sa Tondo Medical Center ang biktima ng mga tanod sa lugar at ngayon ay nasa kritikal pa rin at inoobserbahan ang kalagayan.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya, inaalam na rin ang naging dahilan ng suspek sa nagawa sa biktima, may ilang pedicab driver naman na nakakasama rin nila ang nakapagsabi na agawan umano sa pasahero ang naging ugat ng galit ng suspek bagay na kinukumpirma pa ng ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?