121

Mar 17, 2019 @ 16:45
By

Pederalismo muling isusulong ng DILG

Pangungunahan muli ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang may 200 key representatives mula sa 76 national government agencies (NGA) sa bansa sa dalawang araw na conference hinggil sa pederalismo upang matiyak ang commitment ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa advocacy campaign na paglipat sa federal system ng gobyerno.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang aktibidad ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG, na siyang lead agency ng Interagency Task Force on Federalism (IATF), na i-harmonize, i-consolidate, at palakasin pa ang advocacy campaign para sa pederalisimo, sa pamamagitan ng aktibong suporta at pakikiisa rito ng mga government concerned agencies.

“The NGA Conference will be an avenue to discuss among the government agencies the fundamental principles of federalism, the need to shift from a unitary to a federal form of government, and their significant role in the advocacy campaign for federalism as one of the President’s primary agenda,” ani Año.

Nabatid na ang IATF, na binuo noong Oktubre, sa pamamagitan ng Memorandum Circular 52, ay binubuo ni Año, bilang Chairperson; Secretary Menardo Guevarra ng Department of Justice (DOJ), bilang Vice-Chairperson; at ng mga pinuno ng Office of the Cabinet Secretary; Presidential Management Staff; Presidential Communications Operations Office; Office of the Presidential Spokesperson; Presidential Legislative Liaison Office; Office of the Political Adviser; Commission on Higher Education; Development Academy of the Philippines; at University of the Philippines Law Center.

Ang dalawang araw na kumperensiya ay idaraos sa Heritage Hotel sa Pasay City ngayong Marso 18 at 19, 2019 at inaasahang ang magbibigay ng keynote speech hinggil sa Federalism National Advocacy Campaign ay si DOJ Undersecretary Emmiline Aglipay-Villar, habang si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel naman ang magbibigay ng inspirational message.

Isa sa magiging highlight ng aktibidad ay ang presentasyon sa mga aral mula sa Devolution of 1991: Fundamental Considerations in the Shift to a Federal System ni Dr. Alex Brillantes ng University of the Philippines-National College of Public Administration, na susundan naman ng talakayan sa direksiyon ng Federalism Campaign ngayong taon, na pangungunahan ni DILG Undersecretary Jonathan E. Malaya, na siyang Administrator ng DILG Center for Federalism and Constitutional Reform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?