27
koko-pimentel2
By

Pederalismo malabo kung walang suporta ni Duterte – Koko

Kung hindi umano susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng pederalismo mahirap itong makalusot sa Kongreso, ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel.

“Without the Presidwent support malabo na, kasi malabo na nga siya sa Senate. Ngayon without the President’s support malabo. Kung may support, may chance pero I’m not saying guaranteed,” pahayag ni Pimentel sa isang forum sa Senado.

Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay lumalakas ang suporta sa federalism subalit kailangan pang malaman ng tao ang impormasyon o konsepto tungkol dito.

“Ang masasabi ko nga ngayon na lumakas ang support sa federalism but I’m not say na overwhelming pa rin. People still need information. Sa concept, alam na ng tao federalism strengthens local government pero detalye pa, what are the details,” sabi ng senador.

Sa Senado aniya’y mahina ang suporta sa panukalang ito subalit asahang madaragdagan ito sa pagpasok ng 18th Congress dahil tatlo sa mga bagong senador ay miyembro ng PDP-Laban.

“Walang support sa federalism dito sa Senate. At least madaragdagan but before that halos ako lang mag-isa eh. ilan ang PDP na dumating pero kulang pa rin.

Bukod kay Pimentel, ang iba pang mga PDP-Laban senator ay sina Manny Pacquiao, mga bagong senador na sina Francis Tolentino, Christopher Lawrence “Bong” Go at Ronald “Bato” dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?