425

Dec 11, 2017 @ 12:48
By

Pederalismo, dapat bantayan ng taumbayan – Nene Pimentel

Tinawag na ‘kalokohan’ ng tinaguriang ama ng Local Government Code of the Philippines na si dating senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., ang isinusulong na revolutionary government.

Sa press forum sa Maynila ay ipinunto ni Pimentel na hindi maaaring isakatuparan ang anumang hangarin na palitan ang sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng RevGov nang walang sapat na batayan.

Maging ang Bangsamoro Basic Law o BBL na itinutulak para magkaroon ng sariling awtonomiya ang ilang sektor sa Mindanao ay depektibo rin ayon sa dating mambabatas.

Paliwanag ni Pimentel, nakapaloob kasi sa BBL na tanging ang ‘legislative’ lamang ang maaaring pumili ng itatalaga sa bubuuing Bangsamoro government na malinaw na hindi naaayon sa Saligang Batas.

Iginiit din nito na ang Federalismo pa rin ang nararapat na paraan para baguhin ang sistema ng gobyerno, ito man ay sa porma ng

Constituent Assembly, Constitutional Convention o Peoples’ Initiative. Ang mahalaga ayon sa dating Senate President ay magkaroon ng partisipasyon o boses ang taumbayan sa pagbabago ng porma ng gobyerno.

Hindi aniya dapat pabayaan ng taumbayan sa mga mambabatas lamang ang magdesisyon sa federal form of government.

Batay sa panukala ni Pimentel, 12 na Federal estates ang bubuo sa bagong gobyerno kung saan ang Metro Manila pa rin ang magiging Federal Capital.

Samantala, sinabi naman ni Anakpawis Representative Ariel Casilao, isa sa mga nagsusulong sa Kongreso ng panukalang pederalismo, na wala pang katiyakan kung kailan maipapasa ang House version ng panukala lalo’t nakatuon ang pansin ngayon ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?