106

Jul 16, 2019 @ 19:03
By

Pebrero 4, idineklarang ‘Philippine-American War Memorial Day’

Itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang special working holiday ang Pebrero 4 para gunitain ang “Philippine-American War Memorial Day”.

Batay sa Republic Act No. 11304, layon nito na gunitain ang naging sakripisyo at katapangan ng mga Filipino na nakipaglaban para sa bansa noong Philippine-American war.

Inatasan din ang Department of Education at Commission on Higher Education na magsagawa ng mga aktibidad sa mga eskuwelahan na may kaugnayan sa okasyon.

Sumiklab ang Philippine-American War noong Pebrero 4, 1899 at nagwakas ng Hulyo 2, 1902 kung saan nanalo ang Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?