45

By

Peace talks sa partido komunista, huwag talikuran – LP

Sharing is caring!

Umaasa ang mga senador na kasaping Liberal Party (LP) na hindi tuluyang kakandaduhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan para sa usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng makakaliwa.

Sa press statement ng LP na inilabas ng tanggapan ni Sen. Francis Pangilinan, presidente ng partido, idiniin nito na mahalagang laging mag-usap ang gobyerno at ang mga rebelde upang maiwasan ang madugong bakbakan o giyera.

Sabi ng LP, kahit kailan ay hindi solusyon ang giyera sa hidwaan.

Hindi rin anila mareresolba ng mga armadong labanan ang isyu ng mga rebelde ukol sa reporma sa lupa, karapatan ng mga manggagawa at proteksyon ng mga katutubo.

Kapag din may bakbakan, ang mga sibilyan ang maiipit.

Una nang ipinasya ni Pangulong Duterte na itigil na ang peace talks sa mga makakaliwa dahil nagalit sa walang tigil na opensiba ng New Peoples Army (NPA) sa militar, pulisya pati na sa mga sibilyan at ilang pribadong negosyo.

Ayon sa LP, inaasahan nilang pansamantala lamang ang kanselasyon ng peace talks at mareresolba agad ang mga isyu ngayon.

“There is much that can be done without shedding more blood. War as never been the best way to settle disputes, much less one that has persisted for nearly five decades,” ayon sa LP.

“We hope this cancellation is only temporary, another bump in the long road to lasting peace for all,” dagdag nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?