107

Apr 4, 2018 @ 16:36
By

Peace talks sa partido komunista, ‘di na uubra – Lacson

Duda si Senador Panfilo Lacson na may patutunguhan ang balak muling buksan na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New Peoples Army (CPP-NDF-NPA).

Ipinunto ni Lacson na maliwanag sa kasaysayan na paikot-ikot lang ang usapang pangkapayapaan pero walang kinahihinatnan.

“History will tell us, it has become a vicious cycle. Peace talks, violations, tapos blame game, tapos peace talks na naman. Maski may ceasefire nava-violate tapos turuan. Saan ba tayo pumupunta, di ba ikot tayo ng ikot?” Ani Lacson.

Dahil dito, iginiit niya na maghanap na ng ibang estratehiya ang gobyerno para maresolba ang apat na dekada nang rebelyon.

Kailangan na umanong matuldukan ang rebelyon sa ibang paraan.

Kinilala naman na hindi magiging madali ang pagresolba sa rebelyon na maituturing nang pinakamatagal kumpara sa ibang mga bansa.

“So it’s about time the government should consider other options or other strategies to really end this insurgency problem. Tayo na lang ang may pinakamahabang insurgency.” Dagdag ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?