85

Nov 24, 2017 @ 11:02
By

Peace talks sa mga komunista, tinapos na ni Duterte

Tuluyang winakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang ugnayan sa kilusang komunista matapos lagdaan ang proclamation 360 na nagtatakda ng terminasyon sa peace negotiations sa National Democratic Front- Communist Party of the Philippines- New Peoples Army.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan din ng Pangulo ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP) panel na kanselahin na ang mga nakalinyang pulong bilang bahagi ng peace talks.

“This is to announce that the President signed Proclamation 360 declaring the termination of peace negotiations with the National Democratic Front Communist Party of the Philippines – The New People’s Army ,” ang pahayag ni Roque.

Hindi makita aniya ng gobyerno ang sinseridad sa mga komunista para magkaroon ng pamgmatagalang kapayapaan dahil sa kabila ng pagsisikap na makabuo ng kasunduan ang magkabilang panig ay iba naman ang ginagawa ng kanilamg armed group sa bansa.

“While we agreed to resume peace talks with the aforementioned group and exerted our best efforts to accelerate the signing and implementation of the final peace agreement, the NDF-CPP-NPA has engaged in acts of violence and hostilities.

We find it unfortunate that their members have failed to show their sincerity and commitment in pursuing genuine and meaningful peaceful negotiations,” ang dagdag na pahayag ni Roque.

Idinagdag pa ng kalihim na mismong si Pangulong Duterte na ang nanguna para magkaroon ng kapayapaan sa bansa dahil ito ang nais niyang maging pamana sa kanyang administrasyon subalit hindi tinumbasan ng katapatan ng mga rebelde.

Magkagayonman, sinabi ni Roque na patuloy na ipagdarasal ng gobyerno na makakamit din ang inaasam na kapayapaan sa bansa sa takdang panahon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?