By

Peace talks sa komunista, tigil muna – Palasyo

Sharing is caring!

Malabong matuloy ang pag-uwi sa bansa ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison para sa inaabangang pagpapatuloy ng peace talks.

Ito ay matapos magpasya ang gobyerno na huwag munang ituloy ang pag-uusap.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, na binago ng gobyerno ang timeline para sa pagpapatuloy ng peace talks taliwas sa ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte na 60-araw na dapat magsimula sa Hunyo 28.

Ayon kay Dureza, iniutos ni Pangulong Duterte na kailangan muna nilang makuha ang pulso at sentimyento ng publiko kung ano ang gustong mangyari sa peace talks, at isasama sa mga kukunsultahin ang local government units, peace and order council at iba pang stakeholders.

Mangangahulugan din aniya na ititigil din ang backchannel talks sa kanilang counterparts sa Oslo, Norway.

Nakatakdang bumiyahe bukas ang ilang kasamahan ni Dureza sa Norway para opisyal na ipaalam ang mga bagong development at ang desisyon ng gobyerno na kailangang konsultahin muna ang publiko.

“The almost 50 years of intermittent and often-times disrupted peace negotiations with the communist rebels across several presidencies need a close study for lessons to learn from to insure that our last chance to put a dignified closure to the armed rebellion will not be squandered away,” sabi ni Dureza.

Matatandaang inalok ng Pangulo si Sison na umuwi sa Pilipinas para gawin ang resumption ng peace talks at nangakong babalikatin ang lahat ng gastos nito pati ang mga kasamahan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?