79

Jan 1, 2018 @ 10:25
By

Peace talks sa 2018, wish ni Joma Sison

Hiling ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na ngayon bagong taon ay matuloy ang naudlot na peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front.

Aniya, dapat muling makipag-usap sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng GRP at NDF negotiating panels.

Sinabi ni Sison na dapat hayaan ng Pangulong Duterte na maplantsa ng dalawang panig ang napagkasunduan ng mga social, economic at political reforms.

Giit nito, kapag nagkasundo na ang dalawang panig sa mga unang napagusapan ay ito na ang susi para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?