10
jailed5
By

Peace consultant ng NDF, misis huli sa kasong murder

Sharing is caring!

Inaresto Biyernes ng madaling-araw sa Bacoor City, Cavite ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG, Philippine Army at ISAFP si Rey Claro Casambre, isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines at ang misis nitong si Patricia.

Ayon kay CIDG director, Chief Supt. Amador Corpus, isinilbi nila kay Casambre ang mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Emilio Dayanghirang III ng RTC Branch 11 sa Lupon, Davao Oriental para sa mga kasong murder at frustrated murder.

Nakumpiskahan ng mga baril, bala, granada, cellphones, laptop at detonating cord ang mag-asawa nang sila ay maaresto habang sakay ng kanilang sinasakyang Toyota Vios (XKS 821) alas-12:10 ng madaling araw sa bahagi ng Molino Highway sa Barangay Niyog 3 sa Bacoor City.

Ang mga ito aniya ay gagamitin bilang ebidensiya para sa isasampang mga bagong kaso laban kay Casambre at maging sa kanyang maybahay.

Nagsisilbi din executive director ng Philippine Peace Center si Casambre, samantalang sa initial report ng CIDG sinabing regular member ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines si Casambre gayundin ng Oplan Pagtugis at Paglalansag Omega ng kilusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?