59
pope-francis
By

Peace building at BARMM, kabilang sa ulat ng mga obispo kay Pope Francis

Naghahanda na ang pamunuan ng Archdiocese of Cagayan de Oro sa nakatakdang ad limina visit ng mga Filipinong obispo kay Pope Francis sa Roma.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma kabilang sa kanilang nais iulat sa Santo Papa ay ang mga programa ng akridiyosesis sa usapin ng pagsusulong ng kapayapaan at pagpapatatag ng pundasyon ng pamilya.

Ayon sa arsobispo na chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations, iuulat niya kay Pope Francis ang pagsisikap ng arkidiyosesis na maisulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Katoliko at Muslim matapos itatag ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa rehiyon.

Kabilang ang mga Obispo ng Mindanao at ng Archdiocese of Lipa sa ikatlong batch ng mga obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magtutungo sa Roma para sa Ad Limina visit kay Pope Francis.

Ang Ad Limina ay ang regular na pakikipagpulong ng mga Obispo ng iba’t ibang bansa sa Santo Papa na ngayong taon ay nakatalaga para sa mga Obispo ng Pilipinas.

Inaasahan naman ang pananatili ng mga Filipinong Obispo sa Pontificio Colegio Filipino sa Roma.

Sa kasalukuyan ang CBCP ay binubuo ng higit sa 90 aktibong obispo mula sa 86 na arkidiyosesis sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?