By

PDu30, ‘very special’ ninong sa anak nina Robin at Mariel

Sharing is caring!

Dalawang seremonya ang naganap kay Maria Isabella Padilla noong Huwebes sa National Shrine of Saint Michael sa loob ng Malacañang Compound, San Miguel, Manila.

Isa ay ang binyag para sa Catholic at ang isa naman ay sa Muslim na tinatawag nilang Aqiqah.

Ang binyag lang sa simbahan ang ipinakita sa photo posting ni Mariel kung saan nandoon si PDu30 bilang isa sa mga ninong ng kanilang anak.

@marieltpadilla, “@marialsabelladepadilla’s very special Ninong Presidente Rodrigo Roa Duterte, maraming salamat po Mr. President or can I say Ninong Digong.”

Posibleng ang pagni-ninong ni Duterte ang dahilan kung bakit sa may Malacañang idinaos ang binyagan para makadalo ang Pangulo at maisingit sa kanyang hectic schedule ang event.

Hindi naman nabigo ang mag-asawang Mariel at Robin dahil naroon si Digong at may tatlong larawan pa na ang dalawa ay kinakausap niya ang sanggol at ang isa naman ay photo opt nilang tatlo habang may pangalang Maria Isabella sa backdraft.

Ito yata ang kauna-unahang pagninong ni Digong sa isang showbiz personality mula nang maupo siya sa puwesto at hindi naman dapat pagtakhan dahil all-out supporter niya si Robin.

Sa photo kung saan nakasalang ang ulo ng bata para buhusan ng holy water, nagmensahe si Mariel sa anak na parang kinakausap lang niya.

@marieltpadilla, “My Isabella was baptized yesterday, welcome to the Christian world of faith. Remember that I am Catholic. Robin is a Muslim and yesterday Isabella also had her Aqiqah…”

Ayon kay Mariel, sa pagsapit na sa tamang edad ni Isabella ito pipili kung anong religion ang nais niyang dalhin.

“..in Islam there is no compulsion. When Isabella is older she can decide what her religion will be. As parents it is our duty to teach our children how to respect ALL religious. It is also our responsibility to guide them but never to dictate to them.

“..I know for sure that I will see to it that Isabella grows up knowing and believing that there is only one GOD.”

Ayon sa www.hidaya.org, ang Aqiqah, “in Islamic terminology, is defined as sacrifice of an animal on the occasion of a child’s birth. The performance of Aqiqah is highly encouraged. It is to be performed by the parents or the guardians of the child. Prophet Muhammad (peace be upon him) and his companions used to perform Aqiqah when they were bestowed with a newborn.”

Sa photo opt naman nilang tatlo nina Robin habang ang background ay ang Malacañan Palace, sinabi ni Mariel na kasabay ng binyag ay ang selebrasyon ng 48th birthday ng kanyang asawa.

@marieltpadilla. “November 23m 2917 a very memorable date for my family because on this day my baby girl @mariaisabelladepadilla was baptized and she also had her Aqiqah. On the same day my husband @robinhoodpadilla celebrated his 48th birthday. This celebration would not have been possible if it weren’t for the help of these passionate and dedicated people. From our hearts.. Thank you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?