65

Feb 27, 2020 @ 18:08
By

PDP-Laban: Walang planong patalsikin si Cayetano

Kinontra ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may mga nagbabalak na patalsikin siya sa pwesto para palitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay PDP-Laban Deputy Speaker Johnny Pimentel, buo ang suporta ng kanilang partido sa bawat programang nakalatag sa pamumuno ni Cayetano, at wala silang napag-uusapan na patalsikin ang kasalukuyang House Speaker.

“As far as PDP-Laban is concerned, there is no plan to oust Speaker Cayetano. Wala ho talagang napag-uusapan nun,” ayon kay Pimentel.

Saad pa ni Pimentel, hindi naman nagmamadaling makaupo sa pwesto si Velasco, na ayon sa term sharing agreement kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nakatakdang maging House Speaker sa Oktubre.

“Congressman Velasco is not in a rush to become the Speaker. It is just a few months away so it doesn’t make any sense if we do something that will just break the peace. PDP-Laban will not do anything or start anything that is not in line with the wishes of the President,” ayon pa sa spokesman.

“There were no talks about a coup or a change of leadership in the House. We are very happy with our present setup now. What we simply want is to reinvigorate and strengthen the party,” saad naman ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac.

Matatandaan na sinabi ni Cayetano na nanliligaw na umano si Velasco ng ilang kongresista na pinangako umano ang chairmanship at dagdag-pondo para sa mga ito, na kinontra naman ng Marinduque Rep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?