25
koko-pimentel-1
By

PDP-Laban members na sangkot sa vote-buying kasuhan – Pimentel

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Senate President Koko Pimentel ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tuluyan ng kaso ang mga local officials na kasapi ng PDP Laban na diumano’y sangkot sa bilihan ng boto at panggigipit nitong nagdaang baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Pimentel, na pangulo ng PDP Laban, wala dapat santuhin ang DILG kahit pa kanilang kapartido.

Magsisiyasat din umano sila sa loob ng partido kung bibigyan sila ng ebidensya ng DILG.

“Dapat whether party member o hindi, it doesn’t matter ang tanong ano bang ginawa? meron bang evidence against these persons? File cases kung meron,” diin nito.

Si DILG Undersecretary Martin Diño ang nagsabi na may mga konggresista, gobernador, alkalde at konsehal na sangkot sa vote buying at harassment nitong eleksyon.

Ilan umano sa mga ito ay kasapi nila sa PDP Laban.

Sa batas, hindi dapat kasapi ng anumang partido at hindi rin dapat pakialaman ng mga pulitiko ang mga opisyal ng baranggay at SK pero umanoy nakararami ang hindi sumusunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?